Monday, November 24, 2014

Paano ka ma PROMOTE/DEMOTE/KICK sa Tropang Santo

Hi Guys,

Effective August 2015 CoC Season :

1. Paano ma promote as Elder sa Tropang Santo?
  • Simula August 2015 CoC Season, kailangan po na member ka at least One Whole Season  na walang nami-miss na War bago ka mag qualify sa pagiging Elder.
    • Ang member ay hindi pwede mag OPT OUT sa WAR.
    • Hindi din po pwede mag recruit ng bagong member ang hindi Elder/Co-Lead.
  • Mga Townhall 7, 8, 9, 10 at 11 lang ang pwede ma promote na Elder.
    • TH7 pataas lang ang kasali sa donation rule. Kaya sila lang ang pwede mag Elder.
  • Pwede ma accelerate ang promotion ng isang player kapag nagpakita ng magandang behavior at pagsunod sa clan rules.
  • Leads ang mag de-decide kung kailang ka ma-promote ng Elder. Guaranteed na deserving lang ang mapro-promote.
  • Responsibility ng member na tandaan kung kailan sila sumali sa clan. Sila din ang magpapa-alala sa co-lead na dapat na sila ma promote.
2. What if sa gitna ng season nag join ang member?
  • Pag sa gitna or sa first half ng season nag join ang member, sa gitna or first half ng next season siya magiging Elder, kapag na approve for promotion ng Clan Leaders.
    • Ganun din po kapag 2nd half ng season nag join ang bagong member. Sa 2nd half ng susunod na season din po siya pwede ma promote.
3. Pano ka naman ma demote?
  • Pag hindi kumpleto ang attack mo sa war. Example, 1 lang attack mo.
  • Dapat may valid excuse kung hindi ka kumpleto sa attack. Paramdam ka lang ok na.
    • Pag valid ang excuse mo sa opinion ng Clan Leaders, pwede kang hindi ma-demote.
  • Pag umalis ka ng clan at may na miss na war.
    • Pag umalis ka saglit sa clan at bumalik ulit ng walang war na na-miss, balik ka sa pagiging Elder mo.
    • Kailangan wala kang ma miss na war. Pag halimbawa, umalis ka, tapos hindi makabalik dahil napuno ang clan at may na miss ka na war, hindi ka na pwede maging Elder ulit.
  • May FINAL say ang Leaders ng clan kung made-demote ka or hindi.
    • Pinagbabasihan din namin ang overall contribution ng isang member sa clan.
    • Example, binibigan namin ng "chance" na hindi ma demote ang mga Elders kapag panalo naman ang clan sa War. 
      • Bakit? Dahil ang Elder ay may good history na sa Clan. Loyal kaming mga Leads sa Elders. Madami na silang na Contribute sa clan. Since panalo naman sa war, walang negative na nangyari sa clan.
4. Paano ma promote ulit pag ikaw ay na demote?
  • Kailangan mo sumunod ulit sa RULE # 1 ng ating PROMOTE/DEMOTE/KICK rule. Hassle yan, kaya wag ka magpa demote. May halaga ang pagiging Elder dito sa Tropang Santo.

5. Pano ma kick? 
  • Pag member na hindi ka umatake sa war. As in dalawang attack, wala kang ginamit.
    • Pag valid excuse mo, pwede ka hindi ma kick.
  • Pag 2 straight wars ka nang hindi umaatake, kahit may excuse ka, kick ka. 
    • Join ka na lang ulit pag ready ka na mag participate sa war.
    • Kailangan po natin ng active members para hindi masayang ang effort ng mga clanmates natin na ume-effort sa pag gamit at pag farm para sa 2 attacks.
  • Bawal ang mga salitang nakaka degrade sa iba nating members. May mga babae at members ng 3rd sex tayong members. Maging magalang po tayo. Kailangan respeto.
  • Kapag hindi ka sumusunod sa rules ng Tropang Santo. Halimbawa :
    • Nag loot ka nang hindi pa nag a-announce na pwede nang mag loot.
    • Nang "agaw" ka ng attack ng kakampi natin.
    • Hindi mo nasunod ang donation rules.
    • Consistent ka sa pag donate ng mga troops na hindi naman requested.
    • Kapag makulit ka sa donations kahit pinaalala nang wag ka makulit. Mag do donate ang clan sa iyo, matuto ka lang mag antay.
  • Pag pinaghabihan na wag mag flood sa chatroom at wag makulit, pagkatapos ay makulit at flooder pa din, pwede kang i-kick.
  • May FINAL say ang Leaders ng clan kung maki-kick ka or hindi.
    • Pinagbabasihan din namin ang overall contribution ng isang member sa clan.

Eto na muna rules natin sa PROMOTE/DEMOTE/KICK. Basta respect, have a positive attitude, be loyal, and dedicated/active para maging maayos tayo lahat sa clan. Kahit hindi ka online palagi, basta be active sa war. :-)

Suggest pa kayo kung ano gusto niyo ma revise or dagdag.

Clash On!!
RazorWolf




WAR RULES for Tropang Santo

Hi Guys,

Eto ang current rules natin pag CLAN WARS. Sundin natin palagi to para may guide tayo kung pano manalo.

1. War Search starts between 8 PM to 10. Manila Time.
  • After every 3 wars, may 1 day rest po tayo. 
  • Minsan, kapag nagkasundo ang mga Leaders ng clan at gusto din ng members, pwede tayo sumobra sa 3 wars.
  • Minsan din, pero napapadalas na ngayon (lol), pwede tayo mag "sunod sunod" na wars at walang sinusunod na oras. Depende yan kung gaano ka ganado ang clan mag war sa panahon na yun.

2. Meron po tayong TATLONG Strategies sa war. Strategy 2A, 2B, or 2C.

2A. 1st Attack = Any 4 Ranks Down or Mirror ; 2nd Attack = Cleanup
  • Ginawa po itong strategy na ito para sa ACTIVE war players. 
    • Napansin po kasi namin na madaming active players ang nag aantay pa sa mga hindi active war players. Sayang ang oras ng active players, kaya sila ang binigyan natin ng priority sa war.
  • FIRST ATTACK
    • Pwede po tayo umattack sa kahit saang 4 RANKS BELOW. Halimbawa, kapag ikaw ay RANK 10 sa war, pwede mo gamitin ang first attack mo sa Rank 11, 12, 13 or 14 ng kalaban. Basta kung sino ang palagay mo na kaya mo na 3 Stars, pwede mo pagpilian yun.
  • SECOND ATTACK
    • Ang 2nd attack ay pang cleanup. 
    • Magpaalam sa Elders or Leaders kung saan pwede mag cleanup.
      • Kapag nag 2nd attack ka at wala kang paalam, at hindi mo na 3 stars, kick ka.
      • Pwede ka tumaas or bumaba ng attack basta may approval.

2B. "First 20 Hours" Rule
  • Ang "First 20 Hours" Rule ay isa sa ating war strategy. Antayin ang leads kung anong strategy ang gagamitin.
  • Use your 2 attacks sa first 20 hours ng war sa ka-MIRROR mo until 4 Ranks Down. Example, Rank 15 ka, attack mo from Rank 15 to Rank 19. Anytime.
  • Walang reserve. Pag nauna ka umattack, pwede yan.
  • Kung low rank ka, make sure na umattack ka ng maaga para hindi ka maubusan ng attack.
  • BAWAL umattack ng base na mas mataas sa rank mo. Example, Rank 15 ka, hindi ka pwede umattack ng Rank 14 pataas.
  • After "First 20 Hours", sunod na tayo sa Last 4 Hour Rule.

2C. MIRROR. Tapat mo, Attack mo.
  • Ang MIRROR rule ay isa sa ating strategy. Antayin ang leads kung anong strategy ang gagamitin.
  • Sa una nating attack, palagi niyo po i-attack ang katapat niyo. 
    • Example, kapag Rank 5 kayo sa clan wars, dapat Rank 5 din ng kalaban natin ang i-attack niyo.
  • Kayo po ang responsible sa inyong ka-MIRROR.
  • Kapag ginamit niyo po ang 1st attack niyo sa hindi niyo katapat, considered na "pass" po kayo sa katapat niyo. Pwede na i-attack ng iba nating kakampi ang katapat niyo.
  • Kaya po ganyan ang Rule # 2 natin ay para walang maiwan sa clan natin pag nag wa-war. Mahina man or malakas, dapat po lahat sa atin may chance maka attack ng maayos. Walang gulangan. Every attack matters.
  • Kung hindi niyo kaya attack ang ka rank niyo, or masyado malakas ang ka rank niyo, or wala kayong spells dahil nag uupgrade kayo ng spell factory, pwede po kayo mag "pass" or hindi umattack sa inyong ka-MIRROR. 
  • Kapag "pass" kayo, dapat po ay mag antay kayo na maka 1st attack ang clanmate natin sa ka-MIRROR niya bago mo atakihin ang feeling mo ay kaya mo na kalaban.
  • Bawal mang agaw ng attack. Kapag walang valid excuse bago matapos sa war ang mga nang agaw, kick or demote.
    • Hindi valid excuse ang :
      • May lakad ako mamaya.
      • Magiging busy kasi ako.
      • Lakas ng katapat ko eh.
      • Lasing ako.
  • Kung pass sa katapat, hindi din po pwede i-attack ang mas mataas na rank hanggang walang go ahead ng leader or co-leads. Iniiwasan lang natin maubos ang attack for cleanup dahil mas sigurado na 3 stars ang mas mababa sa rank natin.

2D. 1st Attack = ANY Ranks Down or Mirror ; 2nd Attack = Cleanup
  • Ang Strategy 2D ay ang ating current strategy of choice.
  • Ginawa po itong strategy na ito para sa ACTIVE war players. 
    • Napansin po kasi namin na madaming active players ang nag aantay pa sa mga hindi active war players. Sayang ang oras ng active players, kaya sila ang binigyan natin ng priority sa war.
  • FIRST ATTACK
    • Pwede po tayo umattack sa kahit saang RANKS BELOW. Halimbawa, kapag ikaw ay RANK 10 sa war, pwede mo gamitin ang first attack mo sa Rank 10 hanggang sa dulo pababa. Basta kung sino ang palagay mo na kaya mo na 3 Stars, pwede mo pagpilian yun.
  • SECOND ATTACK
    • Ang 2nd attack ay pang cleanup. 
    • Magpaalam sa Elders or Leaders kung saan pwede mag cleanup.
      • Kapag nag 2nd attack ka at wala kang paalam, at hindi mo na 3 stars, kick ka.
      • Pwede ka tumaas or bumaba ng attack basta may approval.
  • SCOUTING
    • Kung wala ka nang kaya ma 3 stars, tumulong ka mag scout ng top ranks ng kalaban.
    • Palabasin mo ang laman ng Clan Castle at as many traps as possible.
    • LAND ATTACK. Karamihan ng top ranks natin ay land attack ang gamit, kaya walang silibi ang air attack sa pag scout.


3. "Last 4 Hours" Rule.
  • Ang Rule # 2 natin ay applicable po sa first 20 hours ng war, after ng 20 hours, pwede niyo na po i-attack ang gusto niyo.
  • Kaya po may "Last 4 Hours" rule tayo ay para mabigyan ng chance na maka attack ang may mga trabaho at may pasok sa school.
  • Pag hindi kay ma sure 3 stars ang base na gusto niyo i-2nd attack, dito sa Last 4 Hours rule, pwede na.
  • NOTE : Kung maari, kahit nasa "Last 4 Hours" rule na tayo, wag naman po masyado mababa na rank ang i-attack niyo para maka attack ang iba pa natin lower rank in case kailangan natin ng mga crucial na stars. Suggestion namin ay 1 to 2 ranks lower lang i-attack niyo.

4. RESERVATIONS ng katapat.
  • In the event na nasa work pa po tayo, or may emergency, or busy at hindi po tayo aabot sa first 20 hours ng war sa 1st attack, pwede po tayo magpa "RESERVE" ng ating KATAPAT.
  • Mag post lang po kayo sa chatroom kung papa reserve niyo po ang katapat niyo.
  • Pwede din kayo magpasabi sa kakilala niyo na hindi kayo makaka attack sa 1st 20 hours, pwede din mag post sa ating FB Group page. Basta mahalaga, ipaalam niyo sa amin (Leads, Elders or even Members).
  • Ang mga co-leads po ay mag se-send sa clan mail ng message na naka reserve ang tapat niyo until end of war.
  • Pag wala pong co-leaders na online nung nag post kayo ng reservation, pwede po magsabi ang elders or members sa co-leads once online na ang isa sa kanila.

5. Pag nalilito kung ano aaakihin, follow the leader for 2nd attack.
  • Lagi po tayo magbabasa ng clan chat para malaman natin kung pano ang diskarte sa 2nd attack natin. Lalo na kung dikit ang laban.

6. Win Muna, Bago Loot.
  • Wag po muna tayo mag loot hangga't hindi tayo sure win.
  • Mga co-leads ang magbibigay ng go signal kung pwede na mag loot.
  • No exceptions, kahit nasa labas ang townhall ng # 1 ng kalaban. Kahit 1 million pa ang loot niyan.

7. Pag WAR, bawal mag ACCEPT ng bagong member pag hindi kakilala.
  • Para maiwasan ang mga spy.
  • Pag may invite kayo, make sure na nakalagay ang CoC username niyo sa comments ng nag request. Pag hindi, REJECTED ang request to join.

8. Pwede mag I'M OUT sa clan war or mag LEAVE ng clan pag walang Heroes/Spells/Busy.
  • May option po tayo na i-on ang I'M OUT setting sa clan war or mag leave muna sa clan kung tayo po ay walang Heroes at Spells (dahil nag u-upgrade), or kung magiging busy kayo at hindi maka-ka-attack sa war. Pwede po kayo mag join ulit or mag I'M IN sa clan war pag pwede na po kayo. Wala pong problema yun. Work/Life/CoC balance tayo dito. :-)
  • Normally, ang I'M OUT option po ay pwede lang sa mga co-leads or elders. Hindi pwede mag pass sa war ang mga members.
  • Pwede lang mag I'M OUT ang members kapag nag a-upgrade sila ng SPELL FACTORY or HEROES.

Eto na muna, update namin itong page na ito as needed. Mag suggest din kayo ng rules para maging maayos ang clan wars natin.

Thanks!
RazorWolf

Welcome sa blog ng mga TROPANG SANTO!

Hello World,

Dito ang blog natin mga clanmates. Dito natin makikita ang mga rules natin sa war atbp'g kasayahan sa mundo ng Tropang Santo.

Clash On!!
RazorWolf